Medical Tents ng Philippine Red Cross dinadagsa na rin ng mga deboto ng Black Nazarene

By Den Macaranas January 09, 2016 - 01:06 PM

PRC1
Red cross photo

Pasado alas-onse ng umaga, umakyat na sa 291 ang bilang ng mga deboto na nadala sa magkakahiwalay na Medical Tent ng Philippine Red Cross mula sa ruta ng prusisyon ng Black Nazarene.

Sa ulat ng Radyo Inquirer, karaniwang reklamo ng mga deboto ang pagkahilo, sugat sa mga paa at aksident tulad ng isang babaeng nahulog mula sa andas ng Itim na Nazareno.

Bukod sa mga volunteers ng Philippine Red Cross ay naka-antabay din ang mga Paramedics mula sa lungsod ng Maynila.

Kabilang sa mga ospital na naka-alerto ngayon ay ang Philippine General Hospital, Jose Reyes Memorial Medical center, Bonifacio Medical Center, Tondo General Hospital, Ospital ng Maynila at San Lazaro Hospital.

Nananatili namang maayos ang sitwasyon habang nagbabantay ang mga naka-uniporme at naka-sibilyang mga tauhan ng Philippine National Police.

Naka-deploy na rin sa ilalim ng Jose Bridge ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard para sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Nananatili namang mabagal ang andar ng Andas na kinalalagyan ng Poong Nazareno dahil nasa harapan pa lamang ito ng National Museum anim na oras mula nang umarangkada ang prusisyon sa Quirino Grandstand sa Luneta.

 

TAGS: Nazarene, Philippine red Cross, quiapo, Nazarene, Philippine red Cross, quiapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.