Eleazar: Founder ng ‘ninja cops’ isang retiradong pulis; nagka-relasyon sa ‘drug queen’
Inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar na isang retiradong pulis ang founder ng “ninja cops.”
Hindi pinangalanan ni Eleazar ang naturang retiradong pulis pero dagdag nito, nagkaroon ito ng relasyon sa tinaguriang “drug queen” na si Guia Gomez Castro na dating chairwoman sa Barangay 484 sa Sampaloc, Manila.
Sa panayam ng Headstart ng ABS-CBN News, sinabi ni Eleazar na ang dating pulis ay isang senior police non-commissioned officer.
Naging sangkot anya si Castro sa kalakalan ng droga partikular ang umanoy recycling ng mga nakumpiskang droga sa operasyon dahil sa naging “intimate relationship” nito sa retiradong pulis.
Taong 2000 anya noong nagsimula ang drug recycling ng ninja cops.
Dagdag ni Eleazar, dahil nadiskubre ni Castro na ito ay isang “lucrative business,” nag-recruit ito ng iba pang pulis sa kanilang operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.