Duterte lumipad na patungong Russia para sa ikalawang state visit

By Rhommel Balasbas October 02, 2019 - 01:21 AM

Tumulak na si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Russia para sa kanyang ikalawang state visit.

Martes ng gabi nang lumipad ang eroplanong sakay ang pangulo at inaasahan itong darating sa Russia umaga ng Miyerkules.

Kasama sa delegasyon ng pangulo ang 15 miyembro ng Gabinete sa pamumuno ni Executive Secretary Salvador Medialdea at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin.

Bahagi rin ng delegasyon ang nagbabalik-gobyerno na si bagong Deputy Executive Director of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Mocha Uson.

Si Justice Secretary Menardo Guevarra naman ang itinalagang officer-in-charge para pangasiwaan ang bansa.

Ngayong Miyerkules, mayroong pulong si Pangulong Duterte kina Russian Prime Minister Dmitry Medvedev at Igor Sechin, pinuno ng top oil producer ng Russia, ang Rosneft.

Tutungo naman araw ng Huwebes sa city of Sochi ang presidente para sa pulong ng world leaders, at policy makers sa Valdai Discussion club kung saan magbibigay ito ng talumpati.

Sa sidelines ng Valdai forum, magaganap ang bilateral meeting ni Duterte kay President Vladimir Putin, na kanilang ikaapat nang pulong simula November 2016.

Ayon kay Pangulong Duterte, tutukuyin sa pulong kung paano mapalalakas ang kooperasyon sa usapin ng seguridad, paglaban sa terorismo, karahasan at transnational crimes.

“In Sochi, I will meet President Putin to take stock of the state of our bilateral relations. We will identify ways of further intensifying cooperation areas of security and defense, combatting terrorism and violent extremism, and addressing transnational crimes,” ani Duterte.

Lalagda rin ang dalawang lider sa ilang mga kasunduan na may kinalaman sa kultura, kalusugan, basic reseach at political cooperation.

Sa Biyernes, biyaheng Moscow naman si Duterte para magbigay ng maikling lecture sa Moscow State Institute of International Relations.

Nakatakda ring humarap ang pangulo sa Filipino Community sa Russia sa Sabado.

Una nang bumisita ang pangulo sa Russia taong 2017 ngunit napaaga ang kanyang uwi dahil sa Marawi siege.

 

TAGS: 15 gabinete, Filipino community, marawi siege, Moscow State Institute of International Relations, President Vladimir Putin, Rodrigo Duterte, Russia, 15 gabinete, Filipino community, marawi siege, Moscow State Institute of International Relations, President Vladimir Putin, Rodrigo Duterte, Russia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.