Makati City nagsuspinde ng klase sa Biyernes, Oct. 4

By Angellic Jordan October 02, 2019 - 12:52 AM

Sinupinde ng pamahalaang lungsod ng Makati ang klase sa araw ng Biyernes, October 4, 2019.

Batay sa inilabas na executive order no. 3, kinansela ni Mayor Abigail “Abby” Binay ang klase para sa paggunita ng World Teachers Day.

Sakop ng suspension ang lahat ng pampublikong paaraalan mula elementary hanggang kolehiyo sa lungsod.

Base pa sa kautusan, hinikayat ng alkalde ang lahat ng ahensya at departamento sa lungsod na aktibong makiisa at suportahan ang mga aktibidad sa programa para sa pagdiriwang.

Sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 21 series of 2010, idineklara ang unang Biyernes ang Setyembre hanggang October 5 bilang National Teachers Month.

 

TAGS: elementary, kolehiyo, Makati, Mayor Abigail "Abby" Binay, National Teachers Month, October 4, Presidential Proclamation No. 2, walang klase, world teachers day, elementary, kolehiyo, Makati, Mayor Abigail "Abby" Binay, National Teachers Month, October 4, Presidential Proclamation No. 2, walang klase, world teachers day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.