Albayalde, umaasang hindi masisira ang tiwala sa kaniya ni Pang. Duterte

By Angellic Jordan October 02, 2019 - 12:12 AM

Umaasa si Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na hindi masisira ang tiwala sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa isyu ukol sa mga ninja cop o mga pulis na nag-rerecycle ng droga.

Sa panayam ng media, sinabi ni Albayalde na alam ng Punong Ehekutibo kung paano nilalabanan ng PNP ang ilegal na kalakalan ng droga sa bansa.

Ito ay isa lamang aniyang “matter of perception.”

Si dating CIDG director at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang nagdawit kay Albayalde sa naturang isyu.

Mariin namang itinanggi ni Albayalde ang mga alegasyon ni Magalong.

 

TAGS: Baguio City Mayor Benjamin Magalong, drug recycling, matter of perception, Ninja cop, PNP chief General Oscar Albayalde, tiwala, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, drug recycling, matter of perception, Ninja cop, PNP chief General Oscar Albayalde, tiwala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.