Duterte aminadong hindi na maaalis ang hazing sa kultura ng fraternity
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang umamin na hindi na matatanggal ang kultura ng hazing liban na lamang kung ipagbabawal ang pagkakaroon ng mga fraternity.
Ayon sa pangulo, nakapaloob na ang hazing sa fraternity at katunayan ay dumanas din siya nito at tatlong araw pa siyang naospital.
Ayon sa pangulo, noong sumali siya sa fraternity noong nag-aaral siya ng abogasya ay naospital siya dahil sa matinding hematoma o pagbubuo ng dugo.
Sa kanyang pre-departure speeh bago pumunta ng Russia Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na dapat ay tama lamang ang hazing at walang matinding ginagawa sa isang tao.
“Di na tala matanggal ‘yan (You cannot eliminate hazing) unless you ban fraternities, make it criminal offense but it will raise many constitutional issues. ‘Di talaga mapigilan yan, pero dapat ‘yung tama tama lang, pag madala sa ospital mabuhay, wag lang ‘ung mamatay,” ani Duterte.
Ang pahayag ng pangulo ay sa gitna ng isyu ng pagkamatay sa hazing ni Philippine Military Academy (PMA) cadet Darwin Dormitorio.
Noong nakaraang taon lamang ay naisabatas ang pagbabawal sa hazing kasunod ng pagkamatay naman ni University of Santo Tomas (UST) student Atio Castillo.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.