3 arestado sa buy bust sa Bukidnon

By Len Montaño October 01, 2019 - 11:45 PM

Arestado ang tatlo katao, kabilang ang isang barangay kagawad, sa buy bust operation sa barangay Lapasan sa Sumilao, Bukidnon.

Ayon kay Major Evan Vinas, nagbenta si John Mark Sabanal, 33 anyos, kagawad ng barangay San Roque, ng apat na sachet ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer na nagkakahalaga ng P4,000.

Naaresto ang barangay kagawad matapos nitong malaman na may bibili sa kanya ng droga.

Nang maahuli ay isiniwalat ni Sabanal ang pinagkukunan niya ng droga kaya sunod na naresto sna Rector Gonzaga, 34 anyos at Acsani Ali, 19 anyos.

Nakuha naman ng pulisya kay Ali ang 13 gramo ng shabu.

 

TAGS: 3 arestado, Barangay Kagawad, bukidnon, buy bust, shabu, 3 arestado, Barangay Kagawad, bukidnon, buy bust, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.