Amyenda ni Lacson sa 2019 budget mas malaki kumpara sa ginawa ng Kamara sa 2020 budget
Inakusahan ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor si Senator Panfilo Lacson ng malaking halaga na ipinasok na amyenda sa kasalukuyang 2019 national budget.
Ayon kay Defensor, P51B ang institutional amendments ni Lacson sa ilalim ng General Appropriations Act ngayong taon.
Mas malaki ito kumpara sa sa P9.2B na institutional amendments ng Kamara sa taong 2020.
Samantala, pinuri naman ng mambabatas ang ginawa ni Lacson na pagsasapubliko ng realignments na siya rin namang ginawa ni Speaker Alan Peter Cayetano at ng Kamara.
Tiwala naman si Defensor na magkakasundo ang dalawang kapulungan sa pagsalang ng General Appropriations Bill sa Bicameral Conference Committee.
May sapat na panahon rin sila na silipin ang institutional amendments ng mga senador sa Bicam gaya ng pagbusisi nila sa realignments ng mga kongresista.
Kahapon, inilantad ni Cayetano ang P9.2B na realignments para sa ilang programa ng pamahalaan tulad ng procurement ng palay na hinugot mula sa pondo ng DPWH at COMELEC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.