Marijuana plants at seedlings sinunog sa Benguet at Kalinga province

By Angellic Jordan October 01, 2019 - 05:33 PM

Inquirer file photo

Sinunog ng mga otoridad ang mga nasamsam na marijuana sa serye ng anti-criminality operations sa Benguet at Kalinga province.

Batay sa ulat ng pulisya, sinunog ang nasa P311,000 na halaga ng marijuana plant at seedling sa bayan ng Bakun.

Maliban dito, karagdagang P212,000 na halaga ng marijuana ang sinira sa Kibungan.

Sa bahagi naman ng Kalinga, sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 80 thousand na marijuana plants at tatlumpung kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa bayan ng Tanudan at Tinglayan.

Tinatayang nasa P19.9 Million ang halaga ng mga nakumpiskang marijuana sa Kalinga province.

Wala namang naaresto sa mga operasyon.

TAGS: benguet, Kalinga, Marijuana, PDEA, benguet, Kalinga, Marijuana, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.