15 Pinoy seafarers ligtas sa pagsabog ng isang oil tanker sa Korea
Ligtas ang labing-limang Filipino seafarers sa pagsabog sa isang oil tanker sa South Korea, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sumabog ang tanker sa Ulsan, South Korea noong September 27, 2019.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DFA na ligtas ang mga crew member ng Stolt Groenland tanker.
Dahil sa pagsabog, siyam na seafarer ang nasugatan kabilang ang dalawang Pinoy.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Seoul sa mga otoridad sa South Korea para matiyak na nasa maayos na kondisyon ang mga Pinoy seafarers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.