Prusisyon ng Black Nazarene umarangkada na

Nazareno
Inquirer file photo

Nagsimula nang umusad ang prusisyon ng Itim na Nazareno sa may bahagi ng Quirino Grandstand sa Luneta. Kumpara noong nakaraang taon, kanina ay 5:43am pa lamang ay nagsimula nang umarangkada ang Traslacion kung saan ay maraming mga deboto ang nasorpresa.

Sa ulat ng Manila Police District Office, maraming mga deboto pa ang kanilang namonitor na patungo sa Quirino Grandstand ang nagmamadali makaraan nilang malaman na umusad na ang prusisyon.

Hatinggabi nang simulan ang misa sa pangunguna ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa bahagi naman ng Quiapo Church ay halos hindi na magkasya ang mga nagsisiksikang mga tao. Hindi na madaanan sa kasalukuyan ang magkabilang bahagi ng Quezon Bldv. malapit sa simbahan.

Ang mga tauhan naman ng Manila Police District kasama ang mga kasapi ng Hijos del Nazarenos ang nangunguna sa pagsasa-ayos ng ruta ng prusisyon.

Nauna nang sinabi ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na kanilang inaasahan na posibleng mahigitan ngayong taon ang 10-Milyong mga deboto na nakilahok sa nakalipas na Traslacion.

 

Read more...