Dahil sa pagiging sensitibo ng isyu, oral arguments sa kaso hinggil sa probisyon sa Family Code kinansela ng Korte Suprema
Kinansela ng Korte Suprema ang nakatakdang oral arguments ngayong araw na tatalakay dapat sa probisyon ng Family Code tungkol sa annulment.
Unang itinakda ng Supreme Court ang oral arguments Martes, October 1 hinggil sa probisyon ng Family Code na nagsasabing “psychological incapacity” ang maaring magamit na ground para mapawalang-bisa ang kasal ng mag-asawa.
Sa abiso ng Supreme court – Public Information Office, nagdesisyon ang en banc na hindi na magsagawa ng oral arguments sa usapin.
Ito ay dahil sa mga sensitibo at personal na impormasyon na maaring matalakay at maari pang malantad sa publiko kung gagawin ang oral arguments.
Sa halip sinabi ng Supreme Court na pagsusumitihin na lang ng dagdag na memoranda ang mga partido sa kaso.
Dahil sensitibo ang isyu ay hindi rin inaanunsyo ng SC ang titulo ng kaso at hindi rin inilalabas sa publiko ang mga kopya ng petisyon at pleadings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.