Tatlo patay sa magkahiwalay na insidente ng pananambang sa Lapu-Lapu City at Mandaue City

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2019 - 10:55 AM

Patay ang isang lalaki makaraang tambangan habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa Mandaue City.

Ayon sa Canduman Police station, nangyari ang pananambang alas 7:00 ng umaga ng Martes, Oct. 1.

Nakilala ang biktima na si Jerome Suson Flores, 39 anyos na naisugod pa sa Cebu North General Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Sakay ng motorsiklo ang biktima nang siya ay tambangan nang hindi nakilalang lalaki na lulan din ng motorsiklo.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Garry Vilasquez, ng Canduman police patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Lunes (Sept. 30) ng gabi, dalawa ang nasawi sa isa ring insidente ng pananambang na naganap naman sa Lapu – Lapu City.

Kapwa menor de edad ang biktima ng pananambang.

Sakay ng isang tricycle ang dalawang biktima sa harap ng isang convenience store nang sila ay pagbabarilin ng riding-in-tandem.

TAGS: ambush incident, Lapu-Lapu City, Mandaue City, three dead, ambush incident, Lapu-Lapu City, Mandaue City, three dead

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.