Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, pareho na niyang nakausap sina PNP Chief Oscar Albayalde at PDEA Director General Aaron Aquino.
Kapwa professional aniya ang dalawa, at hindi totoo ang mga lumalabas sa mediea na tila ba may matindi silang hidwaan.
Ang dalawa ay kapwa humarap sa senate hearing ngayong araw hinggil sa modus sa Bureau of Corrections (BuCor) na tatalakay din sa “ninja” cops sa PNP.
Sa kabila ng pagsasabing walang matinding alitan ay ipinaliwanag naman ni Año na normal lang sa mga organisasyon at ahensya ang pagkakaroon ng pagtatalo.
Pero sinabi ni Año na walang personalan sa pagitan nina Albayalde at Aquino.
Umaasa naman si Año na anumang isyu sa PNP at PDEA ay maayos din agad.