Pagbabawal sa private vehicles sa EDSA tuwing rush hour hindi uubra ayon sa MMDA

By Erwin Aguilon October 01, 2019 - 10:11 AM

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Hindi uubra ang panukala na ipagbawal ang ang mga pribadong sasakyan kahit tuwing rush hour sa EDSA.

Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na hindi makasasapat ang dami ng mga city bus na bumibiyahe sa EDSA para maisakay ang mga pasahero ng private vehicles.

Tinukoy ni Garcia na aabot lang sa 4,000 ang city buses habang nasa 280,000 ang mga pribadong sasakyan o 77-percent ng mga bumibiyahe sa EDSA.

Ibig sabihin, kakailanganin aniya ng karagdagang 4,000 bus units para maisakay ang mga gumagamit ng pribadong sasakyan.

Ipinaliwanag naman ni Caloocan City Rep. Edgar Erice, na siyang nagtutulak ng panukala, na mas mabilis namang makakaikot ang mga bus para mahakot ang mga pasahero kung maluwag na ang EDSA.

Pero sinabi ni Garcia na mas makabubuti pa ring hayaang magbiyahe ang mga pribadong sasakyan sa EDSA ngunit kailangang ipatupad ang minimum na dami ng mga pasahero sa isang kotse.

TAGS: edsa, EDSA traffic, Radyo Inquirer, rush hour, edsa, EDSA traffic, Radyo Inquirer, rush hour

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.