Justin Bieber at Supermodel Hailey Baldwin muling ikinasal

By Jimmy Tamayo October 01, 2019 - 09:57 AM

Muling nagpakasal ang singer na si Justin Bieber at kanyang supermodel partner na si Hailey Baldwin.

Ang ikalawang wedding ceremony ay ginanap sa Palmetto Bluff ng Montage Hotel sa South Carolina na dinaluhan ng malalapit na kaibigan at kamag-anak ng mag-asawa.

Ayon sa ulat, naging bridesmaid ang kapatid ni Hailey na si Alaia Baldwin at ang pinsan niya na si Ireland Baldwin.

Dumalo sa kasal ang ama ng bride, ang aktor na si Stephen Baldwin at ang mga kapatid nitong sina Alec at Daniel Baldwin.

Sa panig naman ni Bieber ay ang kanyang ina na si Pattie Mallette at ang amang si Jeremy Bieber.

Noong isang taon, naging mag-asawa sina Justin at Hailey sa pamamagitan ng isang civil wedding bagamat hindi ito kinukumpirma ng magkabilang panig.

Ang kanilang ikalawang pag-iisang dibdib ay kasabay ng unang anibersaryo nila bilang mag-asawa.

TAGS: justin bieber, Supermodel Hailey Baldwin, wedding ceremony, justin bieber, Supermodel Hailey Baldwin, wedding ceremony

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.