2 bangkay ng lalaki natagpuan sa Legazpi City

Dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Legazpi City, Albay.

Ayon kay Geremias Leron, kapitan ng Barangay Bariis, ang dalawang bangkay ay nakita sa madamong bahagi ng Purok 4 sa kanilang barangay pasado alas 6:00 ng umaga ng Martes, Oct. 1.

Ani Leron, ang dalawa ay hindi residente doon dahil hindi pamilyar ang kanilang mukha kaya maaring itinapon lang sa lugar ang kanilang bangkay.

May nakitang tama ng mga bala ng baril sa katawan ng dalawa.

Iniimbestigahan na ng Legazpi City police ang pangyayari.

Read more...