Maagang pagpaparetiro kay Albayalde, tsismis lang

By Jong Manlapaz October 01, 2019 - 09:34 AM

Tsismis lang.

Ito ang tawag ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde sa umiikot na balitang sisibakin na umano siya sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte

dahil sa usapin ng mga NINJA COPS kung saan, nakaladkad din ang pangalan ni Albayalde nang ipalutang ang pangalan nito sa nakalipas na pagdinig ng Senado

Sa unang bulong, umuugong ang pangalan ng kaniyand deputy chief for operations na si Lt/Gen. Archie Gamboa na siyang itatalagang Officer – in – Charge sakaling ilabas na ang umano’y relieve order laban kay Albayalde.

Sa naging panayam kay Albayalde, nasa kagustuhan ng pangulo bilang commander in chief na mag-anunsyo kung sino papalit sa kanya, subalit umaasa siyang hindi bahagi ng pamumulitika sa loob ng PNP ang paglutang ng nasabing isyu.

Nilinaw rin ni Albayalde na ang lahat naman ay may katapusan at magreretiro siya sa serbisyo at mapapalitan din siya sa puwesto.

TAGS: early retirement, Oscar Albayalde, PNP, Radyo Inquirer, early retirement, Oscar Albayalde, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.