LOOK: Mga lolo at lola nakinabang na sa unang araw ng libreng sakay sa MRT-3 para sa senior citizens

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2019 - 09:17 AM

Sa unang araw ng pagbibigay ng libreng sakay sa mga senior citizen sa MRT-3 ilang mga lolo at lola na ang nakinabang dito.

Ang libreng sakay ay handog ng MRT-3 bilang paggunita at pakikiisa sa Filipino Elderly Week.

Sa pagsisimula ng libreng sakay alas 5:00 ng umaga ng Martes, October 1 ay marami nang senior citizens ang nakinabang.

Hanggang sa October 7 ay libreng makasasakay ng MRT-7 ang mga senior citizen mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 10:30 ng gabi.

TAGS: dotr, Elderly Filipino Week, Free Ride, mrt-3, senior citizens, dotr, Elderly Filipino Week, Free Ride, mrt-3, senior citizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.