PNP Chief Oscar Albayalde kumpirmado na ang pagdalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa anomalya sa BuCor

By Jan Escosio October 01, 2019 - 08:00 AM

Kumpirmado na ang pagsipot ni PNP Chief Oscar Albayalde sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayon umaga ng Senate Blue Ribbon at Justice Committees sa mga iba’t ibang modus sa Bureau of Corrections at New Bilibid Prisons.

Sa inilabas na guest list ng Committee Secretariat, kumpirmado din ang pagdalo nina PMaj Gen Lyndon Cubos, ang director ng PNP Personnel and Records Management at PBrig. Gen. Albert Ferro, director ng PNP- Drug Enforcement Group.

May mga pagdududa na may kinalaman si Albayalde sa operasyon ng ‘Ninja Cops,’ o ang mga pulis na nagbebenta ng mga nakukumpiska nilang droga.

Mariing pinabulaanan naman ng hepe ng pambansang pulisya ang mga hinala sa kanya.

Nagkumpirma din ng kanilang pagdalo sina PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na unang nagbunyag ng ‘Agaw Bato’ modus ng ilang bugok na pulis.

Gayundin sina Justice Sec. Menardo Guevarra at ang mga opisyal ng Bucor na isinasangkot sa GCTA for Sale at hospital pass for sale.

TAGS: bucor anomalies, Oscar Albayalde, senate hearing, bucor anomalies, Oscar Albayalde, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.