Mga Pinoy sa Hong Kong pinag-iingat sa mga protestang magaganap ngayong araw
Nagbabala ang konsulada ng Pilipinas Hong Kong sa mga Pinoy doon na maging maingat sa mga protestang magaganap ngayong araw.
Ayon sa abiso, maaring magkaroon ng mas mararahas na protesta ngayong ika 70 anibersaryo ng communist rule sa China.
Partikular na pinaiiwasan sa mga Pinoy ang Tamar Park sa Admiralty, Causeway Bay hanggang sa Central, Wong Tai Sin, Sham Shui Po, Mongkok, Sha Tin, Tuen Mun at Tsuen Wan.
Pinaiiwas din ang mga Pinoy sa pagsusuot ng kulay itim o kulay puti na T-shirts.
Ayon pa sa abiso ng konsulada, hindi dapat lumahok sa mga protesta at iwasan ang pag-display ng watawat ng Pilipinas sa mga pagkilos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.