Hog raisers sa Rodriguez, Rizal na naapektuhan ng ASF tatanggap na ng P10,000 na livelihood assistance
Sisimulan na ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Rodriguez, Rizal ang pamamahagi ng P10,000 na livelihood assistance sa bawat hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever.
Isasagawa ang pamimigay ng P10,000 tulong sa isang seremonya na pangungunahan ni Rodriguez Mayor Tom Hernandez.
Sa 1,355 na mga hog raiser na nagpatala sa munisipyo matapos mamatayan ng kanilang alagang baboy, 200 sa kanila ang mabibigyan na ng nasabing halaga ngayong araw.
Ang nalalabi pa ay isasailalim pa sa inspeksyon ang kanilang mga babuyan.
Mula Sept. 17 hanggang 20 ay nagpatala sa munisipyo ng Rodriguez ang mga namatayan ng alagang baboy gayundin ang may mga baboy na kinailangang kumpiskahin ng Department of Agriculture.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.