Malakas na buhos ng ulan mararanasan sa Bataan ayon sa PAGASA

Heavy hanggang intense na pag-ulan ang mararanasan sa lalawigan ng Bataan sa susunod na mga oras.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 5:21 ng umaga ng Martes (Oct. 1) nakasaad na matinding buhos ng ulan ang mararanasan sa Bataan na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin.

Inabisuhan ng PAGASA ang mga residente na maaring magdulot ng flash floods at landslides ang mararanasang malakas na pag-ulan.

Muli ring maglalabas ng abiso ang weather bureau kung sakaling tatagal ang pag-ulan.

Read more...