Trough ng Bagyong Onyok, magdadala pa rin ng mga pag-ulan sa Batanes
Kahit nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR), magdadala pa rin ng kalat-kalat na mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan ang Typhoon Onyok sa Batanes area.
Sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 695 kilometro Hilaga ng Basco, Batanes.
Alas-10:30 kagabi nang makalabas ito ng PAR.
Napanatili ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito sa bilis na 30 kilometro bawat oras pa-Hilaga.
Samantala, sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, maaliwalas na panahon ang mararanasan na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Ayon sa PAGASA, nakataas pa rin ang gale warning mapanganib pa ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan, Isabela at northern coast ng Ilocos Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.