Misis na buntis kulong matapos mag-abot ng droga sa kulungan

Kulong ang isang pitong buwang buntis matapos mag-abot ng droga sa isang inmate sa Sampaloc Police Station sa Maynila.

Ayon kay Pol. Capt. Alrey Bundalian ng Sampaloc Police Station Chief Investigation Section, dumalaw si alyas na ‘Aida’ sa kanyang mister na nakakulong din sa nasabing istasyon ng pulis.

Nag-abot ito ng pagkain sa kanyang mister ngunit umalis din.

Makailang sandali ay bumalik ito at may inabot sa isang lalaking inmate na napag-alamang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Giit ni alyas ‘Aida’, nautusan lang siya na magbitbit ng droga kapali2 sachett ng P100 dahil sa kagipitan.

Umamin din ang lalaking inabutan ng droga na nag-utos nga siya sa buntis na misis.

Sasampahan ang si ‘Aida’ ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...