Ilang senador suportado ang Malasakit Center bill ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio October 01, 2019 - 04:53 AM

File photo

Inihain si Senator Christopher Go ang Senate Bill Number 1076 o Malasakit Center Act of 2019 para makapagtayo na nito sa lahat ng mga pampublikong ospital sa buong bansa.

Sa kanyang sponsorship speech para sa committee report ng panukala, iginiit ni Go na layon ng kanyang panukala na mabigyan ng tulong medikal at pinansiyal ang mga mahihirap sa mga pampublikong ospital sa pamamagitan ng onse-stop shop na Malasakit Center.

Aniya sa ganap na pagpapatupad ng Universal Health Care Law, naniniwala ang senador na malaking tulong ang serbisyo mula sa Malasakit Center lalo na sa mga dagdag gastusin ng mga may sakit na mahihirap.

Paliwanag niya sa bawat Malasakit Center ay may kinatawan ang DOH, DSWD, PCSO at Philhealth para mag-proseso ng mga hihingiin tulong.

Ilan senador naman ang agad na nagpahayag ng kanilang suporta sa panukala kabilang sina Senators Manny Pacquiao, Sherwin Gatchalian, Sonny Angara at Bong Revilla.

Naniniwala si Sen. Francis Tolentino na malaking tulong ang panukala para mapangalagaan ang kalusugan ng lahat ng Filipino.

Ibinahagi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na sa isang ospital sa Bukidnon unang ginawa ang katulad ng layon ng Malasakit Center ngunit naging malaking hamon ito sa pamahalaang-panglalawigan.

 

TAGS: Malasakit Center Act of 2019, one stop shop, Senate Bill Number 1076, Senator Christopher Go, suportado, Universal Health care Law, Malasakit Center Act of 2019, one stop shop, Senate Bill Number 1076, Senator Christopher Go, suportado, Universal Health care Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.