Higit 100 patay sa pagbaha sa India

By Rhommel Balasbas October 01, 2019 - 04:47 AM

AP photo

Patay ang higit 100 katao matapos ang malawakang pagbaha na dulot ng tatlong araw na walang tigil na pag-uulan sa Uttar Pradesh at Bihar sa India.

Ayon kay National disaster management chief SN Pradhan, 93 ang nasawi mula sa Uttar Pradesh at 29 naman ang nasawi sa Bihar simula noong Biyernes.

Libu-libo katao pa ang inililikas sa Patna, kabisera ng Bihar.

Hindi inaasahan ng government officials ang delubyo at sinabing ito ang pinakamalala sa loob ng ilang dekada.

Napilay ang railway system, vehicular movement at healthcare services, habang nawalan ng kuryente at sinuspinde ang mga pasok dahil sa pag-uulan.

Kinailangan pang ilipat sa ibang kulungan ang higit 500 bilanggo mula sa Ballia district jail matapos pasukin ng tubig ang kanilang pasilidad.

Maging si Deputy Chief Minister Sushil Modi at kanyang pamilya ay kinakilangang ilikas mula sa kanilang bahay.

Naganap ang malawakang pagbaha sa kabila ng inaasahang pagtatapos ng monsoon season sa India.

 

TAGS: baha, higit 100, India, malawakang pagbaha, monsoon season, patay, walang tigil na pag-ulan, baha, higit 100, India, malawakang pagbaha, monsoon season, patay, walang tigil na pag-ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.