Malacañang: Duterte may tiwala pa rin sa China sa kabila ng agawan sa tetitoryo

By Rhommel Balasbas October 01, 2019 - 03:40 AM

File photos

Tiwala pa rin sa China si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng sigalot sa South China Sea ayon sa Palasyo ng Malacañang.

Ang pahayag ng Palasyo ay matapos ang ulat ng isang Washington-based think tank ukol sa presensya ng Chinese government ships sa Ayungin at Panatag Shoals.

Sa ulat noong September 26, sinabi ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) na namataan ang Chinese Coast Guard ships sa Luconia, Second Thomas Shoal (Ayungin), and Scarborough (Panatag) Shoals.

Natukoy ng AMTI ang 14 na CCG vessels na nagbobroadcast ng automatic identification signals (AIS) habang nagpapatrolya sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Kadalasang hindi binubuksan ng CCG vessels ang kanilang mga AIS sa kasagsagan ng patrolya ngunit madalas na ipinapabatid ng mga ito ang kanilang presensya.

Pero sa press briefing sa Malacañang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na aatasan muna ang Department of National Defense (DND) para isailalim sa berepikasyon ang ulat ng presensya ng Chinese ships sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.

“We will ask to validate that claim or that observation…from the defense department,” ani Panelo.

Sakaling mapatunayang totoo ang presensya ng foreign vessels sa territorial waters ng bansa ay maghahain ng diplomatic protesta ng bansa.

“Assuming that it’s true. Iba-validate pa nga natin eh. Then if that is validated, then we file the usual diplomatic protest,” dagdag ng kalihim.

Idinepensa ni Panelo na epektibo ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China dahil kumaunti ang foreign vessels sa mga pinag-aagawang teritoryo nang maghain ng protesta ang Maynila.

 

TAGS: agawan ng teritoryo, ayungin shoal, China, Diplomatic PRotest, Panatag shoal, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, South China Se, tiwala, West Philippine Sea, agawan ng teritoryo, ayungin shoal, China, Diplomatic PRotest, Panatag shoal, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, South China Se, tiwala, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.