John Lloyd Cruz may ‘acting appearance’ sa trailer ng MMFF entry na “Culion”

Screengrab of Culion FB page

Matapos ang pagtatago, muling masisilayan ng publiko ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Ito ay dahil sorpresang makikita si John Lloyd sa patikim na trailer ng pelikulang “Culion” na entry sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Mapapanood sa video na naka-post sa Culion Facebook page na lumabas ang aktor sa huling bahagi ng trailer.

Sa huling mga segundo ng trailer ay makikita si John Lloyd na nangingilid ang luha.

Wala pang detalye ukol sa papel ni John Lloyd sa pelikula pero ayon sa producer ng pelikula ay mahalaga ang role nito.

Ang “Culion” ay tungkol sa tatlong pasyente ng ketong na ginampanan nina Iza Calzado, Meryll Soriano at Jasmine Curtis-Smith.

Matatandaan na nagpahinga ang aktor sa showbiz dahil sa relasyon kay Ellen Adarna at pagkakaroon nila ng anak.

Read more...