Eleazar: ‘Drug queen’ Guia Gomez Castro nasa US na

By Len Montaño October 01, 2019 - 03:03 AM

Inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar na batay sa intelligence reports ay nasa Amerika na ang umanoy “drug queen” na si Guia Gomez Castro.

Una nang nabalita na pumunta sa Thailand si Castro na dating chairwoman ng Barangay 484 sa Sampaloc, Manila.

Ang dating kapitana ang sinasabing kasabwat ng mga “ninja cops” sa pagbebenta ng mga drogang nakumpiska sa operasyon ng mga pulisya.

Ayon kay Eleazar, lumabas sa kanilang monitoring na pumunta rin si Castro sa Taiwan bago ito tumungo sa Estados Unidos.

Dagdag ng NCRPO chief, nagsasagawa rin ang National Bureau of Investigation (NBI) ng financial investigation sa dating pinuno ng barangay.

Iniimbestigahan din anya ang mga kamag-anak ni Castro gayundin ang mga tumulong para ito ay makatakas.

Una nang itinanggi ni Castro ang alegasyon sa kanya at pinili umano nitong manahimik para sa kanilang kaligtasan.

 

TAGS: drug queen, financial investigation, Guia Gomez Castro, intelligence reports, Major General Guillermo Eleazar, monitoring, NBI, NCRPO, Taiwan, thailand, US, drug queen, financial investigation, Guia Gomez Castro, intelligence reports, Major General Guillermo Eleazar, monitoring, NBI, NCRPO, Taiwan, thailand, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.