Posibleng entry ban ng US etsapwera kay Panelo
Hindi ‘big deal’ kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo kung hindi man siya payagan at ang iba pang opisyal ng Pilipinas na makapasok sa Estados Unidos.
Sa press briefing sa Malacañag, sinabi ni Panelo na ilang beses naman siyang nakapunta sa US at hindi lang ito ang bansa kung saan maaaring magliwaliw.
“I’ve been there several times over…it’s not the only country that you can go to and enjoy the sites and the sounds,” ani Panelo.
Ang pahayag ni Panelo ay matapos ang panukalang amyenda nina US U.S. Senators Dick Durbin at Patrick Leahy sa 2020 State and Foreign Operations (SFOPs) appropriations bill.
Layo ng panukala na hindi payagang makapasok ang Philippine officials na may kinalaman sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.
Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na hindi pipigilan ang government officials ng bansa na pumasok sa US.
Giit ng kalihim, ang ban ay panukala pa lamang sa isnag komite sa Senado at magiging epektibo lang kapag inaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ng US.
“That ban is just a proposal in a Senate committee and I think the views of the two senators are in the minority; otherwise, some senators would have supported that. In other words, that ban will be only effective upon the approval of both Houses of Congress of the United States,” ani Panelo.
Muli namang binanatan ni Panelo ang panukala ng dalawang US senators na anya’y pakikialam sa soberanya ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.