Duterte biyaheng Russia na ngayong araw

By Rhommel Balasbas October 01, 2019 - 02:45 AM

Handa na ang lahat para sa ikalawang state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia simula ngayong araw.

Pupunta ang pangulo sa Moscow at Sochi City.

Highlight ng Russian trip ni Duterte ang bilateral meeting kay President Vladimir Putin.

Inaasahan din ang paglagda sa mga kasunduan na may kinalaman sa kooperasyon sa kultura, kalusugan at basic research.

Magbibigay din ng mga talumpati si Duterte sa plenary session ng Valdai Discussion Club sa Huwebes at sa Moscow State Institute of International Relations sa Sabado.

Tatapusin ng pangulo ang kanyang state visit sa pamamagitan ng pagharap sa Filipino community.

Ayon kay Sen. Christopher ‘Bong’ Go, layon ng pagbisita ng pangulo na mapaganda pa ang relasyon ng Pilipinas at Russia.

Sa unang bilateral meeting noong 2017, nasaksihan umano ni Go ang pagkakaintindihan nina Pangulong Duterte at President Putin.

“Layunin ng visit ang mas paigtingin ang relasyon ng Pilipinas sa Russia. Malawak at marami ang oportunidad. Maganda rin na magkaibigan na sina Pangulong Duterte at Pangulong Putin. I was there during their first bilateral (meeting). They’re very good friends. Nagkakaintindihan po sila. They are both strong leaders,” ani Go.

Magugunitang napaaga ang uwi ng pangulo sa kanyang unang state visit sa Russia dahil sa Marawi siege.

Samantala, kasama sa delegasyon ng pangulo ang mga kalihim ng Department of Foreign Affairs, Department of Finance, Department of Trade and Industry, at Department of National Defense.

Sakay ng chartered flight ang pangulo na unang beses simula noong nakaraang taon matapos gumamit ng private plane sa kanyang mga biyahe.

 

TAGS: bilateral meeting, chartered flight, President Vladimir Putin, private plane, Rodrigo Duterte, Russia, Sen. Christopher "Bong" Go, state visit, bilateral meeting, chartered flight, President Vladimir Putin, private plane, Rodrigo Duterte, Russia, Sen. Christopher "Bong" Go, state visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.