Big-time price hike sa LPG epektibo na
Nagpatupad na ang industry players ng higit P4 dagdag-presyo sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG) eksakto alas-12:01 ngayong Martes.
Sa abiso ng Petron at Phoenix LPG Philippines Inc., P4.50 ang dagdag sa kada kilo ng kanilang cooking gas at P2.50 naman sa kada litro ng Auto LPG.
Ang Solane-branded LPG naman ay may P3.98 kada kilo na taas-presyo epektibo alas-6:00 mamayang umaga.
Samantala, mamayang alas-6:00 na rin ng umaga epektibo ang rollback sa presyo ng ilan pang kumpanya ng langis.
Ang presyo ng gasolina ay may tapyas na P1.45 kada litro habang P0.60 naman ang bawas sa kada litro ng diesel.
May bawas din na P0.60 ang presyo ng kada litro ng kerosene o gaas.
Kabilang sa mga magpapatupad ng rollback mamaya ay ang Petron, PTT Philippines, Total, Unioil, Petro Gazz at Shell.
Simula noong Linggo hanggang kahapon ay una nang nagpatupad ng bawas-presyo ang Cleanfuel, Seaoil at Chevron.
Mas malaki ang bawas presyo ng Cleanfuel sa gasolina na umabot sa P1.50 kada litro habang mas maliit ang rollback sa diesel na umabot lang sa P0.50 kada litro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.