Sa text message sa INQUIRER.net, kinumpirma ni PDEA spokesperson Derrick Carreon na nai-deploy nang muli ang police escorts ng PDEA chief.
Ani Carreon, ini-recall ang security escorts noong September 18 at naibalik noong September 26.
Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde araw ng Lunes na inutusan niya si Central Luzon police director Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel na magdeploy pansamantala ng apat na police escorts para kay Aquino.
Ayon sa PNP chief, babantayan ng apat na security escorts ang kaligtasan ni Aquino sa loob ng 30 araw.
Ang apat na police escorts ay lubhang mababa kaysa sa 15 na una nang mayroon ang PDEA chief.
Iginiit ni Albayalde na hindi normal ang bilang na 15 police escorts dahil sa ilalim ng batas ay dalawa lamang ang idinedeploy para sa mga indibidwal na may banta sa buhay.
Muli namang pinabulaanan ni Albayalde na ang pag-recall sa security escorts ni Aquino ay matapos ang rebelasyon nito tungkol sa ‘ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa drug recycling.