Hirit ng militanteng grupo, “Ikulong si Abaya”
Dapat umanong makulong si Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya dahil sa kabiguan nitong aksyunan ang mga problema sa Metro Rail Transit (MRT)-3 at Light Rail Transit (LRT).
Ayon kay Anakbayan national chairperson Vencer Crisostomo, dapat managot si Abaya sa lumalalang sitwasyon sa mass transport system ng bansa na nagreresulta sa pagsasakripisyo ng libo-libong commuters araw-araw.
Maliban kay Abaya, sinabi ni Crisostomo na responsibilidad din ni Pangulong Aquino ang problema sa transportasyon.
Suportado din ng grupong Anakbayan ang mga panawagang sibakin sa pwesto si Abaya na anila ay ‘kabarkada’ ng Pangulong Aquino.
Kasabay nito ay nanindigan si Pangulong Aqunio na wala siyang plano na palitan si Abaya sa DOTC.
Sinabi ni Pangulong Aquino na walang basehan ang mga alegasyon ng na nawalan ng maintenance provider ang MRT dahil kay Abaya.
Sinabi ng pangulo na nakapirma na sa kontrata ang Busan Transport para sa maintenance ng MRT 3 sa loob ng tatlong taon kabilang ang pag-overhaul sa 43 tren nito at pag-install ng bagong signaling system.
Una ng sinabi ng Malacañang na nananatili ang tiwala ng Pangulong Aquino sa kakayahan ni Abaya para pamunuan ang DOTC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.