BREAKING: Higit 30 babaeng Chinese huli sa umanoy prostitution den sa Makati

By Len Montaño October 01, 2019 - 01:04 AM

Hindi bababa sa 30 babaeng Chinese ang hinuli ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang high-end KTV bar sa Yakal St., Makati City na nagsisilbi umanong prostitution den Martes ng madaling araw.

Sinalakay ng NBI anti-fraud division ang bar kung saan nagtatrabaho ang mga dayuhang babae bilang tagapag-bigay aliw.

Ayon sa ahensya, mga lalaking Chinese ang eksklusibong customer ng mga babaeng Chinese.

Hindi umano bababa sa P15,000 ang bayad sa bawat isang babaeng Chinese.

Inaaalam ng NBI kung may kaukulang mga dokumento ang mga Chinese women para magtrabaho sa bansa.

Nabatid na ang mga parokyanong lalaking Chinese ay pumipili lamang ng babae sa KTV bar pagkatapos ay sumusunod na ang babae sa hotel ng customer.

 

TAGS: 30 babaeng Chinese, breaking, exclusive customer, ktv bar, lalaking Chinese, Makati, NBI, prostitution den, sinalakay, Yakal Street, 30 babaeng Chinese, breaking, exclusive customer, ktv bar, lalaking Chinese, Makati, NBI, prostitution den, sinalakay, Yakal Street

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.