DA: Pinatay na mga baboy dahil sa ASF umabot na sa 20,000

By Len Montaño October 01, 2019 - 12:23 AM

Dahil sa African Swine Fever (ASF), umabot na sa 20,000 na mga baboy ang pinatay o sumailalim sa culling.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar araw ng Lunes, sa ikatlong pagkakataon ay pinatay ang mga baboy na may sakit ng ASF para hindi na mahawa ang iba pang baboy.

May ilan anya na hindi infected pero bilang protocol at security measure ay pinatay ang mga baboy na nasa 1 kilometro ng lugar kung saan may namatay dahil sa virus.

Ayon kay Dar, karamihan sa pinatay na mga baboy ay mula sa Bulacan habang ang iba ay mula sa Pangasinan at Pampanga.

Bilang pag-iingat, kailangang ireport ng magbababoy na nasa loob ng 10 kilometro radius kung saan may kumpirmadong kaso ng ASF kung may sakit ang kanilang mga baboy.

Kinumpirma naman ng kalihim na 30 baboy mula sa Bulacan ang nasabat sa Pangasinan.

Lumabas sa pagsusuri na kalahati ng mga baboy ay positibo sa ASF.

Dahil dito ay agad na pinatay ang mga baboy na nasa truck na galing sa Bulacan gayundin ang 1,000 na nasa 1 kilometrong radius.

 

TAGS: African Swine Fever, Agriculture Secretary William Dar, baboy, Bulacan, culling, infected, Pampanga, pangasinan, pinatay, protocol, security measure, African Swine Fever, Agriculture Secretary William Dar, baboy, Bulacan, culling, infected, Pampanga, pangasinan, pinatay, protocol, security measure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.