“Competent enough.”
Ito ang naging pahayag ng Palasyo ng Malakanyang ukol sa pag-aksyon ni Agriculture Secretary William Dar para labanan ang African Swine Fever (ASF).
Sa kabila ito ng napaulat na pagkalat ng nasabing sakit sa Pangasinan matapos magkaroon ng kaso sa bahagi ng Bulacan, Quezon City at Rizal.
Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na tiyak na may ginagawang aksyon si Dar ukol sa kaso.
Bahala na aniya ang mga local government unit sa pagpapatupad ng ban sa pagpapasok ng mga pork product mula sa mga lugar na apektado ng ASF.
Tiwala pa rin aniya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga isinasagawang hakbang ni Dar ukol sa sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.