PNoy masaya sa tagumpay ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe, Pia itinanggi namang naka-date ang Pangulo

945854_10153925772804047_5771594225329972492_nSa parehong araw sa magkahiwalay na pagkakataon, kapwa natanong sina Pangulong Benigno Aquino III at si Pia Wurtzbach sa isyung may kinalaman sa isa’t isa.

Sa panayam kay Pangulong Aquino habang siya ay nasa Davao, sinabi nitong masaya siya para kay Wurtzbach sa pagkakapanalo niya bilang Miss Universe 2015.

Sinabi ni PNoy na masaya siya sa pagkakapanalo ni Pia. Pinaghirapan aniya talaga ni Pia ang kaniyang pagkapanalo. “Siyempre, natuwa tayong lahat na nanalo siya. Iyong point na pinaghirapan naman niya talaga itong pagkapanalo niya,” ayon sa Pangulo.

Sinabi ng pangulo na masaya siyang nakamit ni Pia ang isa sa kaniyang mga pangarap.

Si Pangulong Aquino at Wurtzbach ay nabalita noong nagde-date.

Samantala, sa panayam sa isang radio station sa New York na PLJ FM, inamin ni Pia na totoong nagkaroon ng pagkakataon na magkita sila ng Pangulong Aquino noon bago pa siyang magins Miss Universe,

Pero paglilinaw ni Pia, hindi sila nag-date ng pangulo. Aniya ang pagkikita nila noon ay may kinalaman sa kaniyang pagiging contributor writer sa Philippine Daily Inquirer. “”I met him because I was a contributing writer for the lifestyle section of a newspaper in the Philippines, so I met him in a few social occasions sometimes,” sinabi ni Pia.

Sa ngayon si Pia ay nananatiling single at walang boyfriend.

Read more...