Albayalde: Recall sa police security ng PDEA chief “coincidence” lang
Inamin ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na ni-recall ang police security detail ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino.
Nagkataon lang umano na nasabay ang nasabing recall order sa naging pahayag ni Aquino ukol sa pagkakaroon ng “ninja cops” o yung mga pulis na sangkot sa bentahan ng droga.
Sinabi ni Albayalde na gagamitin bilang bahagi ng augmentation team sa pinaghahandaang Southeast Asian (SEA) Games ang nasabing mga pulis sa Central Luzon.
Pero sa hiwalay na pahayag, sinabi n PDEA Spokesman Derreck Carreon na hindi naman itinalaga sa SEA Games ang mga dating pulis na bahagi ng security team ni Aquino.
Kaugnay nito, lumiham na si Aquino kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang request na ibalik ang kanyang police security.
Sa kanyang liham ay sinabi ni Aquino na hindi lamang siya ang may mga death threats dahil sa paglaban sa mga sindikato ng droga kundi maging ang kanyang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.