Hinaing ng mga jeepney driver at operator dapat bigyang-pansin ng gobyerno ayon sa minorya sa Kamara

By Erwin Aguilon September 30, 2019 - 07:15 PM

Iginiit ng minorya sa Kamara na lehitimo ang concerns ng mga tsuper at operator sa isinusulong na transport modernization partikular sa planong phase-out ng jeepney.

Ayon kay House Minority Leader Benny Abante, marami sa mga may-ari at operators ng jeepney ay hindi naman mayayaman kaya kailangan nila ng ayuda.

Wala naman anyang may ayaw ng modernisasyon ng transportasyon sa bansa pero dapat tingnan ang mga isyu ng apektadong sektor.

Kinalampag naman ni Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang liderato ng Kamara para imbestigahan ang planong phase out sa mga jeepney na siyang sentro ng ikinasang tigil-pasada ngayong araw.

Giit ni Zarate, hindi makatuwiran na tanggalan ng trabaho at kabuhayan ang mga pobreng driver at operators habang ang malalaking kumpanya ng kotse ay merong subsidiya mula sa gobyerno.

Tinukoy ng kongresista ang P27 Billion Comprehensive Automotive Resurgence Strategy o CARS kung saan inoobliga ng gobyerno ang ilang car company para gumawa ng minimum na 200,000 units kada brand ng sasakyan sa loob ng 6 na taon.

TAGS: Comprehensive Automotive Resurgence Strategy o CARS, Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, House Minority Leader Benny Abante, jeepney driver at operator, Comprehensive Automotive Resurgence Strategy o CARS, Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, House Minority Leader Benny Abante, jeepney driver at operator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.