Sa ikalawang pagkakataon ngayong araw, MRT muling nagka-aberya

By Jan Escosio January 08, 2016 - 03:18 PM

Photo Credit: Jun Bert Afable
Photo Credit: Jun Bert Afable

Nagka-aberya na naman ang operasyon ng Metro Rail Transit ngayong hapon.

Ito na ang ikalawang pagkakataon ngayong araw, Enero 8, na nagkaroon ng problema sa operasyon ang biyahe ng tren ng MRT.

Ala 1:00 ng hapon, pinababa ang lahat ng pasahero ng MRT sa lahat ng istasyon mula North Avenue hanggang Taft Avenue station.

Ang mga pasahero na inabutan habang nasa kalagitnaan ng riles sa Guadalupe Station ay napilitan na namang bumaba at maglakad sa gilid ng riles para makabalik sa istasyon.

Pasado alas 2:00 ng hapon, bagaman naibalik ang operasyon ay hindi pa rin normal ang biyahe ng MRT.

Sa ngayon kasi tanging ang biyaheng North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard Station lamang at pabalik ang gumagana.

Habang wala namang biyahe mula Shaw Blvd Staion hanggang Taft Avenue Station at pabalik.

Kaninang umaga, nagka-aberya din ang MRT at itingil ang buong operasyon ng isang oras.

Signalling system ang itinuturong dahilan ng dalawang nabanggit na aberya.

TAGS: MRT halts operation, MRT halts operation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.