Transport group ipinag-malaki na naparalisa nila ang byahe ng jeepney
Inihayag ng isang transport group na halos isang daang porsyentong naparalisa ang transportasyon sa ilang lugar sa Laguna sa kasagsagan ng rush hour.
Ito ay kasabay ng ikinasang malawakang tigil-pasada para tutulan ng PUV modernization program ng gobyerno.
Ayon kay Elmar Portea, miyembro ng Southern Tagalog Region Transport Organization, nakiisa ang ilang drayber ng jeep sa transport strike para ilahad ang nais nilang pagbabasura ng jeep modernization plan.
Sumama sa tigil-pasada ang mga drayber ng jeep sa Los Baños, San Pablo, Biñan City, Sta. Rosa City at iba pa.
Nagpakalat naman ng mga sasakyan at modern jeepney units ang pamahalaang lungsod ng Sta. Rosa para sa mga apektadong commuter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.