DND-Dito Telecommunity deal isasapubliko na ayon kay Lorenzana
Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ilalabas ang desisyon sa kasunduan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Dito Telecommunity Corporation ngayong linggo.
Sa pagdinig sa Senado ukol sa 2020 budget ng DND, sinabi ni Lorenzana na hinihintay pa aniya ang rekomendasyon ng legal office ng kagawaran.
Sinabi rin ng kalihim na aamyendahan niya ang kasunduan na magtayo ng towers sa mahigi 130 kampo ng militar kung kakailanganin.
Itatayo aniya ang mga tower kung saan nakapwesto ang mga tower ng Smart at Globe.
Sinabi naman ni Senador Franklin Drilon na magbigay ng kopya ng kasunduan sa Senador bago ito aprubahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.