Pangalan ng mga kakasuhan sa pagkamatay ni Cadet Dormitorio ilalabas na

By Den Macaranas September 30, 2019 - 03:15 PM

Inquirer file photo

Handa na for filing para sa kasong murder at paglabag sa anti-hazing law ang Baguio City Police Office laban sa walong suspek sa pagpatay sa Philippine Military Academy Cadet na si Darwin Dormitorio.

Hinihintay na lamang ng mga PNP officials sa Baguio City ang pamilya Dormitorio bago isapubliko ang pangalan ng mga sasampahan ng kaso.

Nauna nang lumutang sa kaso ang pangalan nina Cadet First Class Axl Rey Sanupao, Cadet Third Class Shalimar Imperial, Cadet Third Class Felix Lumbag, at Captain Flor Apple Apostol ng PMA Station Hospital.

Nauna nang nagbitiw sa kanilang pwesto sina PMA Suprerintendent Lieutenant General Ronnie Evangelista at PMA commandant of cadets Brigadier General Bartolome Bacarro.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng pamilya Dormitorio na titiyakin nilang mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng naturang kadete ng PMA sa mga kamay mismo ng kanyang upper class.

TAGS: anti hazing law, baguio city pnp, dormitorio, Murder, pmga, anti hazing law, baguio city pnp, dormitorio, Murder, pmga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.