Mocha Uson itinalaga bilang bagong OWWA deputy administrator

Itinalaga ng Malacanang bilang bagong Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Executive Director V (Deputy Administrator) si Mocha Uson.

Lumabas ang appointment paper ng nasabing pro-administration blogger noong September 23, 2019.

Magugunitang natalo ang partylist group ni Uson noong nakalipas na taon.

Dati rin siyang naitalaga bilang Presidential Communications Operations Office undersectary bago nasibak noong nakalipas na taon.

Pangunahing papel ng OWWA na tiyakin ang kaligtasan at benepisyo ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Samantala, lumabas na rin ang appointment paper ng ilang miyembro ng gabinete bilang mga ex-officio members Legislative-Executive Development Advisory Council (Ledac).

Kinabibilangan ito nina Department Secretaries Ernesto Pernia, Carlos Dominguez, Wendel Avisado, Delfin Lorenzana, Carlito Galvez Jr., Mark Villar, at Arthur Tugade.

Read more...