Daan-daang humabol sa pagpaparehistro nag-overnight sa tanggapan ng Comelec sa Taguig
By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2019 - 01:04 PM
Sa Comelec office sa Taguig City nag-overnight ang daan-daang nais makahabol sa huling araw ng pagpaparehistro.
Sa Facebook png Comelec-Taguig nakasaad na alas 6:00 pa lamang nga gabi ng Sept. 29 araw ng Linggo at bisperas ng last day ng registration ay nasa 1,000 katao na ang nakapila.
Ang mga pumila ay para makapagparehistro sa last day ng registration ngayong araw, Sept. 30.
Pinayuhan ng Comelec-Taguig ang mga hahabol pa na huwag nang magtungo sa kanilang tanggapan dahil hindi na sila maipoproseso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.