Mga sangkot sa hazing dapat ikulong ayon kay Rep. Garbin
Para matigil ang mga kaso ng hazing sa mga paaralan, dapat na arestuhin, at ikulong ang mga sangkot dito.
Naniniwala si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. na ito lamang ang maaaring makapagpatigil sa hazing sa kabila ng ipinapatupad na Anti-Hazing Act of 2018.
Paliwanag pa ni Garbin na may akda ng naturang batas, na para mapigilan paggawa ng karumal dumal na hazing apat ay arestuhin, kasuhan at ikulong ang may kagagawan nito.
Dahil kahit ano aniya ang ilagay na batas ay wala itong epekto dahil wala ang nakakasuhan, naaaresto at nakukulong.
Nilinaw din ang kongresista na ang pinapayagan lang ay ang initiiation rite subalit anumang aktibidad na nagreresulta sa physical o psychological na pananakita ay maituturing nang hazinig at may katapat na parusa sa illalim ng anti hazing act
Sa ilalim ng batas, kapag ang hazing ay nagresulta sa pagkamatay ay may kaparusahan ito na habambuhay na pagkakakulong at pagmumulta ng milyong piso.
Dapat na rin aniyang pigilan ng Philippine Military Academy ang hazing sa kanilang institusyon lalo na ito ang dahilan ng pagkamatay ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.