Signal #1 nakataas pa rin sa Batanes at Babuyan Group of Islands dahil sa Typhoon Onyok

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2019 - 11:21 AM

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands dahil sa Typhoon Onyok.

Sa 11AM weather update ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 200 kilometers North Northeast ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw, ang rainbands ng bagyong Onyok ay maghahatid ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan sa Batanes.

Kalat-kalat na pag-ulan din ang mararanasan sa Ilocos Norte, Apayao and Cagayan kabilang ang Babuyan Islands.

Hindi inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyo at lalabas na ito ng bansa mamayang gabi.

TAGS: babuyan, Pagasa, tropical cyclone wind signal number, Typhoon Onyok, weather, babuyan, Pagasa, tropical cyclone wind signal number, Typhoon Onyok, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.