Tigil-pasada hindi gaanong naramdaman sa Metro Manila – DOTr

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2019 - 10:52 AM

Minaliit ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang epekto ng tigil-pasada sa Metro Manila.

Ayon sa DOTr, may mga naitalang jeepney drivers at operators na nagsagawa ng protesta sa Welcome Rotonda, Aurora Blvd. kanto ng EDSA, Commonwealth – Philcoa at Elliptical Road – Kalayaan.

Pero sa kabila nito, mula umaga hanggang bago mag-tanghali ay walang naitalang stranded na pasahero sa nasabing mga lugar.

Nakatulong din ang mga bus na itinalaga para magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero.

Sa Maynila, naging normal din ang biyahe ng mga pasahero at walang namataang nagsasagawa ng protesta.

Katunayan ayon sa Manila Public Information Office, sa Divisoria, nakiusap pa ang mga driver ng jeep sa lokal na pamahalaan na huwag magtalaga ng “Libreng Sakay” dahil hindi naman sila lumahok sa tigil-pasada at baka imbes na kumita sila ay sa “Libreng Sakay” pa mapunta ang kanilang pasahero.

Sa Mandaluyong una nang nagpasabi ang lokal na pamahalaan na hindi lalahok sa tigil-pasada ang mga pampsaherong jeep sa lungsod.

TAGS: dotr, ltfrb, manila, quezon city, tigil pasada, transport strike, dotr, ltfrb, manila, quezon city, tigil pasada, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.